Lance Raymundo gets a new look after aesthetic surgery

Posted: Published on May 28th, 2014

This post was added by Dr. Richardson

Maayos ngunit naging iba na ang hitsura ngayon ni Lance Raymundo dalawang buwan matapos ang aksidenteng kinasangkutan niya sa isang gym.

Ibinahagi ng actor-singer sa kanyang Instagram account (lanceraymundo) ang bago niyang hitsura matapos sumailalim sa isang reconstructive surgery.

Ang parehong kuha ay lumabas sa Funfare column ni Ricky Lo sa Philippine Star kahapon, May 27.

Matatandaang nasira ang mukha ni Lance nang mabagsakan siya ng 80-pound barbell habang nag-eensayo sa gym noong March 20.

Dulot ng aksidente nito ay ang pagkasira ng kanyang ilong, cheek bones, noo, at bahagyang pagkabulag.

Sa parehong buwan, inumpisahan na rin ang reconstructive surgery kay Lance.

Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal), inilarawan niya ang mga gagawin sa kanyang mukha para sa surgery.

Ayon kay Lance, So far, nag-implant sila ng supra foil net sa surrounding areas ng eyeball ko dahil nabasag mismo ang socket kung saan naka-encase ang eyeball ko.

Bago ako inoperahan, half-blind na po ako.

Nag-implant din sila ng mga titanium plates sa lahat ng areas ng mukha ko na nabasag, tulad ng buong mid-area ng face, forehead, cheek bones, at nose.

Excerpt from:
Lance Raymundo gets a new look after aesthetic surgery

Related Posts
This entry was posted in Aesthetic Surgery. Bookmark the permalink.

Comments are closed.