Ex-Pres. Arroyo, muling sasailalim sa stem cell therapy sa Lunes

Posted: Published on September 8th, 2012

This post was added by Dr Simmons

Isasagawa umano ang ika-apat na intravenous treatment ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Lunes bilang bahagi ng kanyang alternatibong pagpapagamot para sa kanyang sakit sa buto.

Sa kanyang official Twitter account, inihayag ni Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga, This Monday I will have my fourth stem cell intravenous treatment with my alternative medicine doctor."

"It's cultured stem cell and much more modest in price than the one coming from sheep or one's own body," dagdag pa niya.

Hindi binanggit ng dating pangulo ang halaga ng naturang pagpapagamot.

Ang stem cell therapy ay sumisikat na alternatibong pagpapagamot ngayon. Sinasabing kinukumpuni ng ipinapasok na bagong cell sa katawan ang mga damaged tissue upang gamutin ang sakit.

Ilang kilalang celebrity ang sumailalim na rin sa naturang uri ng alternatibong pagpapagamot tulad ni Alma Moreno na mayroong multiple sclerosis.

Kamakailan ay inihayag ni Albert Martinez na naniniwala siya ang stem cell therapy ang nakagamot sa breast cancer ng kanyang misis na Liezl.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Arroyo na patuloy siyang naghahanap ng alternatibong lunas sa kanyang sakit. Mula sa inoperahang buto sa kanyang leeg, idinadaing na rin ng dating pangulo na hirap siyang lumunok ng pagkain.

Ipinaalam din niya na mayroon siyang thrice-weekly therapy sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City noong Huwebes.

Patuloy naman ang panawagan ng mga kaalyado ni Arroyo na pahintulutan ang dating lider na makapagpagamot sa ibang bansa.

Original post:
Ex-Pres. Arroyo, muling sasailalim sa stem cell therapy sa Lunes

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Comments are closed.