Stem Cell Medicine, Gamot Para sa Mayaman!

Posted: Published on August 13th, 2013

This post was added by Dr Simmons

TAYONG MGA Pinoy, kapag ang pinag-uusapan ay sasakyan at mga murang piyesa sa sirang jeep o kotse, tiyak lahat ay sa Banawe, Quezon City ang laging takbo. Marami kasing surplus na parte ng sasakyan doon. Kaysa linisin o kumpunihin pa ang sirang piyesa ng sasakyan, mas maiging palitan na lang ng surplus ang original part na sira.

Alam nyo bang ganito rin halos ang usapan sa bagong teknolohiya sa panggagamot? Sa teknolohiyang ito ay parang pagbili lang ng surplus na human organ at cell sa Banawe, upang mapalitan ang depektibong parte ng katawan ng tao gaya ng liver at kidney.

Si Senador Enrile sa edad na 89 ay nagpapakita pa rin ng pagiging matinik sa debate at katalinuhan. Inamin ng Senador sa isang panayam na siya ay gumagamit ng tinatawag na stem cell therapy.

Ang stem cell research ay mahigit 10 taon nang pinag-aaralan sa ibang bansa. Ito ay isang makabagong paran ng panggagamot gamit ang cell, isang esensyal na bahagi ng dugo. Dahil ang cell ay tinatawag na basic unit of life, ang teknolohiya ngayon sa medisina ay may kakayahan nang makumpuni ang sira o depektibong bahagi ng katawan gamit ang artipisyal na paraan. Ang tawag dito ay stem cell therapy at stem cell medicine.

SI SHINYA Yamanaka ang nanalo ng Nobel Prize 2012 dahil sa pagkakatuklas niya ng proseso kung saan ang mature cells ay maaaring ma-reprogram at magamit muli bilang bahagi ng sistema sa katawan ng tao. Sa pangkaraniwang pagkakataon, ang mga mature cells gaya ng balat o buhok ng tao ay namamatay na sa proseso ng pagkalaglag nito sa katawan.

Hindi na rin ito dadaan sa zygote stage kung saan may pagtatalong etikal tungkol sa potensyal na buhay na nakapaloob sa zygote. Matagal pinagtalunan ang paggamit ng stem cell bilang gamot dahil sa lumang paraan ng paggawa ng stem cell, dumadaan pa ito sa zygote stage. Ibig sabihin, naisasakripisyo ang isang potensyal na buhay sa lumang sistemang ito kaya ito ay itinuturing na hindi moral at katanggap-tanggap.

Dahil sa nadiskubre ni Yamanaka, ang mature cell ay puwede nang ma-reprogram at magamit bilang stem cell para gawing bagong human organ pamalit sa sirang liver, kidney, heart o kahit anong bahagi ng katawan. Dahil hindi na nga ito dadaan sa zygote stage, hindi na ito unethical o immoral sa usapin ng karapatang mabuhay ng isang potential life.

Excerpt from:
Stem Cell Medicine, Gamot Para sa Mayaman!

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Comments are closed.